|
dito ba ?
o banda roon pa?
saan nga ba?
mararating ko pa ba?
alam ko --
na habang humahaba
ang daang tinatahak ko
lalong umiikli
ang buhay
ng
aking pagkatao.
at sa bawa`t pagliko sa
mga madidilim na kanto
ang natutunan ko
ay ang bawat
tamang daan
palabas , papunta
sa dapat kong hantungan.
dito ba?
o roon pa?
saan bang talaga
ang buhay ko
nakatalaga?
sana --
sa aking paghakbang
huwag mapunta sa
aking mga mata
ang alikabok ng
napagpag na paa
at
sa aking paghahanap
'wag sana akong mabulag
ng kakaunting
liwanag
dito ba?
sana...
pag hindi
baka roon pa..
|